Ang Panginoon ang aking pastol Pinagiginhawa akong lubos
Handog niyang himlaya’y sariwang pastulan Ang pahingaan ko’y payapang batisan, Hatid sa kalul’wa ay kaginhawahan, Sa tumpak na landas, Siya ang patnubay. (Refrain)
Madilim na lambak man ang tatahakin ko, Wala aking sindak, Siya’y kasama ko. Ang hawak niyang tungkod ang siyang gabay ko. Tangan niyang pamalo, sigla’t tanggulan ko. (Refrain)
Inihahandog Niya sa akin 'sang dulang Maging sa harap man ng aking mga kaaway Kasiyahan Niyang ulo ko'y langisan, Saro ko'y punuin hanggang sa umapaw. (Refrain)
Kagandahang loob, pawang kabutihan Ang tanging kasunod ng buhay kong taglay Doon sa tahanan ng Poong Maykapal Nais kong manahan magpakailanman. (Refrain)
Paraphrase of Psalm 23
Text: D. Isidro, SJ Music: Felipe Fruto Ll. Ramirez, SJ

In the presence of our God, as we gather here in Christ, feel the Spirit breathe upon us, the breath of life, graced and divine. We have come to break the bread; we have come to share our lives. Let us bring these fruits to the table, the love of God, yours and mine!
Refrain
Ang Katawan Ni Kristo (2x) Behold the Body of Christ, Jesus our Saviour and Life! Rejoice O people of God! We are the Body of Christ!
When we gather in our homes, through our prayers and our meals, we are fed and nourished together, our families, broken and blessed. In the household of the Lord, where we come to share the meal, we are fed the words of our Saviour, one family, strengthened and healed. (Refrain)
Bridge: Is not the meal that we bless and share a communion in the life of Christ? One bread, one blessing, one cup make us one body in our Lord.
In the presence of our God, by the justice that is shown, We will build a kingdom together; The love of Christ given to all (Refrain)
Words: Ricky Manalo and Pia de Leon (2003) Music: Ricky Manalo (2003)
Panginoon, turuan Mo akong maging bukas palad Turuan Mo akong maglingkod sa Iyo Na magbigay ng ayon sa nararapat Na walang hinihintay mula sa Iyo
Na makibakang 'di inaalintana Mga hirap na dinaranas Sa tuwina'y magsumikap na hindi humahanap Ng kapalit na kaginhawahan Na 'di naghihintay kundi ang aking mabatid Na ang loob Mo'y siyang sinusundan
Panginoon, turuan Mo akong maging bukas palad Turuan Mo akong maglingkod sa Iyo Na magbigay ng ayon sa nararapat Na walang hinihintay mula sa Iyo
Katulad ng mga butil na tinitipon Upang maging tinapay na nagbibigay buhay Kami nawa'y matipon din At maging bayan mong giliw
Refrain:
Iisang panginoon, iisang katawan, isang bayan, isang lahi sa'yo'y nagpupugay
Katulad din ng mga ubas na piniga at naging alak Sino mang uminom nito: "May buhay na walang hanggan" Kami nawa'y maging sangkap Sa pagbuo nitong bayang liyag (Refrain)
Hindi kita malilimutan Hindi kita pababayaan Nakaukit magpakailanman Sa 'king palad ang 'yong pangalan
Malilimutan ba ng ina Ang anak na galing sa kanya Sanggol sa kanyang sinapupunan Paano niyang matatalikdan Ngunit kahit na malimutan Ng ina ang anak niyang tangan
Chorus:
Hindi kita malilimutan Kailanma'y di pababayaan Hindi kita malilimutan Kailanma'y di pababayaan Hindi kita malilimutan Kailanma'y di pababayaan
Malilimutan ba ng ina Ang anak na galing sa kanya Sanggol sa kanyang sinapupunan Paano niyang matatalikdan Ngunit kahit na malimutan Ng ina ang anak niyang tangan
Chorus:
Hindi kita malilimutan Kailanma'y di pababayaan Hindi kita malilimutan Kailanma'y di pababayaan Hindi kita malilimutan Kailanma'y di pababayaan (repeat)
Ako’y nagtataka sa paskong kay lamig. Doon pa nadama init ng pag-ibig. Sa Sanggol at Ina, puso’y huwag isara. At sa bawa’t isa puso mo’y buksan na.
Refrain: Pasko na! Pasko na! Tayo’y mag —– kaisa. Magsama sa saya ng Sanggol at Ina.
Ako’y nagtataka sa sabsabang payak. Doon pa nadama dangal ng Haring Anak. Sa Sanggol at Ina puso’y huwag isara. At sa bawa’t isa puso mo’y buksan na. (Refrain)
Paglamig ng hangin hatid ng Pasko Nananariwa sa 'king gunita Ang mga nagdaan nating Pasko Ang Noche Buena't Simbang gabi
REFRAIN:
Narito na ang Pasko At nangungulila'ng puso ko Hanap-hanap, pinapangarap Init ng pagsasalong tigib sa tuwa Ng mag-anak na nagdiwang Sa sabsaban n'ung unang Pasko
Sa pag-awit muli ng himig-Pasko Nagliliyab sa paghahangad Makapiling kayo sa gabi ng Pasko Sa alaala'y magkasama tayo (Refrain, 2x)
Papuri sa Diyos (3x) sa kaitaasan At sa lupa'y kapayapaan (2x) sa mga taong kinalulugdan N'ya Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin Sinasamba Ka namin ipinagbubunyi Ka namin Pinasasalamatan Ka namin Dahil sa dakila Mong angking kapurihan Panginoong Diyos hari ng langit Diyos Amang makapangyarihan sa lahat Panginoong Hesukristo, bugtong na Anak Panginoong Diyos Kordero ng Diyos, Anak ng Ama Papuri sa Diyos (2x) Papuri sa Diyos sa kaitaasan
Ikaw na nagaalis ng mga kasalanan ng sanlibutan Maawa Ka (2x) sa amin lkaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan Tanggapin Mo ang aming kahilingan (2x) Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama maawa Ka (2x) sa amin
Papuri sa Diyos (2x) sa kaitaasan Sapagkat Ikaw lamang ang banal at ang Kataastaasan Ikaw lamang 0 Hesukristo ang Panginoon Kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen (2x) Papuri sa Diyos (3x) sa kaitaasan
Salamat sa Iyo Aking Panginoong Hesus Ako'y inibig mo At inangking lubos
Chorus:
Ang tanging alay ko Sa Iyo aking Ama Ang buong buhay ko Puso at kaluluwa Hindi makayanang maipagkaloob Mamahaling hiyas o gintong sinukob Ang tanging dalangin O Diyos ay tanggapin Ang tanging alay ko Nawa ay gamitin Ito lamang Ama wala nang iba pa Akong hinihiling
Di ko akalain Na ako ay 'Yong bigyang pansin Ang taong tulad ko'y Di dapat mahalin Chorus
Aking hinihintay Ang Iyong pagbabalik, Hesus Ang makapiling Ka'y Kagalakang lubos Chorus Di dapat mahalin